LAKBAY NG BUHAY: KAGANDAHAN NG KALIKASAN NG PALAWAN

PUERTO PRINSESA

PALAWAN

PUERTO PRINCESA: Ang mahahalagang impormasyon

Ang Puerto Prinsesa ay ang ulong-bayan at kaisa-isang lungsod ng Palawan, Philippines. ito ay kabilang sa 7 Wonders of the Nature sa buong mundo. Ang lugar na ito ay mayroong iba’t ibang tanawin, pasyalan, at mga magagandang karagatan. Dito sa lugar na ito, maari niyong hirangin ang inyong mga mahahalagang araw tulad ng anibersaryo, kaarawan, kasal at marami pang iba.

#mahalinangpalawan

Saan nga ba ang Palawan?

Ang palawan ay matatagpuan sa rehiyon ng MIMAROPA sa bansang Pilipinas. Ang lugar na ito ay isang isla kaya’t nangangailangan ng barko o Ferry o Eroplano upang makarating sa lugar na ito.

Ano ba ang meron sa lugar na ito?

Maraming masasayang abentura, gawain o mga aktibidad ang pwedeng gawin ng bawat isa, mapabata man o matanda. Tulad na lamang ng pamamasyal sa iba’t ibang lugar na mayroong magagandang tanawin, karagatan, at iba pa. ang lugar na ito ay mayroong sariwang hangin na nakakatulong para sa ating kalusugang pangkaisipan.

Paano makapunta sa Palawan?

Kung ikaw ay galing ng Baguio City, o kung ikaw ay taga- Baguio, kailangan mo munang magpunta ng Maynila patungo sa Airport upang makalipad papuntang Palawan. Ang paglipad dito ay Mahigit isang oras lamang.

KULTURA

Kilala ang Puerto Prinsesa Palawan sa kanilang Underground River. Ang salita ng mga taga dito ay kadalasan Ilonggo, Ingles, at Tagalog. Subalit, ang mga salita ng mga katutubo sa lugar na ito ay Cuyunon at Palawanon. Kilala rin ang lufgar na ito sa paggawa ng mga Handicrafts o mga Souveneirs.

MGA AKTIBIDAD O ABENTURANG MAARING GAWIN:

PUMASYAL SA IBA’T IBANG ISLA o island hopping

Isa sa pinakamaganda at masayang gawin sa lugar na ito ay ang m,ag island hopping or ang pumasyal sa iba’t ibang isla tulad ng Starfish Island kung saan maraming mga Starfish o mga isdang bituin ang nasa isla. sunod naman ay ang Luli Island o ang “Lulbog-liitaw” na isla dahil ang islang ito ay nawawala kapag high tide o may mataas na tubig at bumabalik sa oras na bumaba ang tubig o low tide. iilian lamang ito sa mga islang pwedeng puntahan ng mga turista.

MGA PAGKAIN

Ang pagkain sa Puerto Prinsesa ay karaniwang mga lamang dagat tulad ng iba’t ibang isda, pusit, sugpo, at marami pang iba. isa sa kanilang specialty ay ang adobong buwaya. Ang pagkain na ito ay tunay na masarap at malinamnam.

Ang Puerto Prinsesa ay isa lamang sa mga magagandang puntahan sa ating bansa, kung kaya’t mas mainam na pasyalan muna natin ang sariling atin. Patuloy natin na ipagmalaki ang ating sariling kultura, lugar, tanawain at karagatan.

Design a site like this with WordPress.com
Get started